Tuesday, November 30, 2010

Umagang silip sa bintana

Umiiyak ang langit
Nagpupuyos ang hangin
Hinahampas ng alon 
Ang mapagpaubayang buhangin

Sa dagundong ng kulog
Bubong ay parang lilipad
Ang manaka-nakang kidlat
Sa isipa'y gumugulat

Matapos ang halos
Isa at kalahating oras
Ang araw namukadkad
At nagliwanag ang bukas

Unos ay tumigil
Sigwa ay nawala
Umagang kayganda
Aliwalas ang nagbadya

No comments:

Post a Comment