Tuesday, November 30, 2010

A day before the day..

Di masyadong ok ang tulog ko kagabi, nagloko kasi ang electric supply sa room ko sa resort kaya ni transfer ako ng ibang room. Ok naman yung room kaso walang TV, nasanay na ako manood ng TV sa gabi nahiya naman ako ipa transfer yung TV sa room kasi malakas ang ulan na may kasama pang hangin.  An tagal ko bago nakatulog, hinahanap hanap ata ng tenga ko yung tunog  ng alon  na parang umaabot na sa baba ng kama ko. Di kasi sya masyadong  maulinigan sa pinaglipatan sa kin. mag 12 am na ata ako nakatulog at nagising ako ng 5 am. Lumipat agad ako sa dati kong room kahit wala pa syang kuryente at natulog ng saglit.

"Namamahay na ata ako.. 3 weeks na ko dito"

No comments:

Post a Comment