Sunday, November 28, 2010

Sunday

Ang aga  ko nagising ngayon, pag alarm ng 5 am bumangon agad ako at nag toothbrush tapos naghanda ng gear. Medyo madilim pa paglabas ko pero tanaw ko na ang pumuputok  na liwanag ng araw.  Sumakay ako  ng tricycle papunta sa polytechnic kung saan malapit ang dagat na may naglalakihan na alon sabi sa kin nung isang staff. Super excited ako kasi sawa na ako sa view ng dagat sa tapat. Pagbaba ko ng tricycle halos lakad takbo ginawa ko para makalapit sa dagat. Tama ang sabi sa kin, naglalakihan nga ang alon kaya dali-dali ako nag setup ng tripod para magumpisang  pumitik, sakto naman na pumuputok pa lang ang araw.

All set na ako, pag on ko  ng camera ito ang nakita ko:

"change the battery pack"

Tangina yan sumakit na naman ulo ko..

No comments:

Post a Comment