Monday, November 29, 2010

Eat all you can

Disappointed ako kagabi. Ramdam na ramdam ko ang gutom kaya nagmamadali akong pumunta sa gabby's kung saan may eat all you can sa halagang 130php. 7 dishes tapos 2 desserts at bottomless ice tea. Gaya ng dati konti lang muna kinuha ko sa una:

Humba
Chop suey
Bopis
Chopped litson kawali (walang mang tomas)
Afritada
Bam-i (pansit at bihon na pinaghalo ewan ko kung bakit bam-i tawag)
Sinabawang isda

Desserts:
Fruit salad
Leche flan

Panalong panalo sana kaso after ko maubos yung 1st plate feeling ko nabusog agad ako, pero nagpumilit pa din akong bumalik sa buffet table para kumuha ng 2nd serving. Habang kinakain ko yung 2nd naramdaman ko na busog  na ako. Nag pahinga ako para makabalik pa uli sa table pero naramdaman ko na di na talaga kaya. Nagpasya  ako na umalis na ng Gabby's at ilista sa utak ko na may utang sila sa kin na kailangan ko mabawi  pagbalik ko.

"Naramdaman ata ni Gabby at binweltahan agad ako, pagdating ko sa labas nila biglang kumulo ang tyan ko.  Dali-dali akong sumakay ng tricycle pauwi kulang na lang magpahatid ako sa mismong C.R."

No comments:

Post a Comment