Wednesday, December 1, 2010

BDAY EMO..

Bday ko bukas at nag iisa ako dito sa mindanao, toma ako kagabi sa shacene by the sea balak ko sana magpakalasing pero naka 3 bottles pa lang ako ng san mig light nag-iba na pakiramdam ko kaya tumigil na ako. Kumain na lang ako ng beef mami at inalala ang pinakamalungkot na bday na dumaan sa kin.

*< [ insert_violin _music_background_here ] >*

Circa '93 dec 2, college ako nun nasa boarding house ako nakatalukbong ng kumot dahil inaapoy ako ng lagnat. Mag isa lang ako sa boarding house kasi lahat ng kasama ko ay nasa school na. Nag try ako bumangon pero di ko kinaya, nakuntento na lang akong mahiga. Kinapa ko ang cellphone ko wala akong makapa kasi wala pa palang cellphone nun at kahit siguro may cellphone na di ko din ma aafford. hehehe
Hindi ko na masyadong matandaan kung anu-ano mga iniisip ko nun basta ang pinakatanda ko may tumulo na luha sa mga mata ko sa sobrang awa sa sarili.

"incidentally, araw din ng huwebes yun.."

No comments:

Post a Comment