Thursday, December 30, 2010

Sadako, Sudoku

My wife loves to play sudoku on her Ipod touch.  Kahit na nasa bed na kami naglalaro pa din sya kaya naisip ko tong joke na to.

Me: Bakit sumikat si Sadako?
Wifey:  bakit?
Me again: Kasi lumabas sya sa TV.. toinks...

Thursday, December 16, 2010

Malas na bad trip...

Naubusan ng gas ang kotse kanina at itinirik ako sa gitna ng daan.  . Buti na lang may mga tambay na tumulong at itinulak ang kotse papunta sa tabi.  Dali dali ako tumawag ng tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na gasolinahan, dumaan muna kami dun sa autoshop na pinagpagawaan ko dati ng kotse at nanghiram ng galon para lalagyan ng gasolina. Nag start naman agad sya pagkalagay ko ng gas kaya nakauwi din ako agad.

"Pagdating ko sa bahay nahiga ako para matutulog na lang sana, bigla namang nag brown out"

Wednesday, December 15, 2010

Simbang gabi

Start na ng unang simbang gabi mamaya.  Mas lalo ko nammiss ang asawa ko.
Mas lalo kong naalala ang mga usapan namin starting dec 15 onwards bago  matulog.
Ang usapan kung saan mag-sisimba, kung sa Cathedral ba o sa esperitu santo at kung anong oras magigising.

"Nakaka miss magplano, pero pagdating ng madaling araw mas narerealized namin na  mas masarap
pala matulog pag mas malamig"

Tuesday, December 14, 2010

Back to Manila

Nakabalik na ako ng manila one week ago.. Ninamnam ko muna ang pagbalik ko bago ako nagpost, nanood ako ng HP7, nagpakalbo nag renew ng drivers license..


Tapos toma ng walang humpay..

feeling ko nurse ako these past few days kasi

"I'm always nursing a hangover"

Sunday, December 5, 2010

Wet morning..

Nagising ako ng 5 am uli sa alarm ng cellphone pero nagulat ako kasi di pa maliwanag sa salamin ng bintana, inakala ko na mali ang oras sa cellphone ko.  Pero pinili kong bumangon para patayin ang aircon at sumilip na din sa labas, pagbukas ko ng pinto madilim pa nga ang paligid at umuulan. Yung tinatawag na ulang mayaman o mahina lang ang patak pero ang tipo ng ulan na matagal matapos. Binuksan ko ang TV at nanood ng news tapos naghanda na din para maligo at umpisahan ang araw.  Natapos ko na lahat na kailangang gawin at paalis na ako di pa din tumitigil ang mahinang patak ng ulan. Hanggang mag abang ako ng tricycle papunta sa office umuulan pa din pero di ko alintana dahil madami din namang naglalakad na di din pinapansin ang mahinang patak ng ulan.

"Pag upo ko sa tricycle saka ko lang napansin na ang toothbrush ko pala ay nasa likod na bulsa pa ng pants ko"

Friday, December 3, 2010

BROWN OUT

Brown out ngayon dito sa buong Tandag, 5 pm pa daw babalik ang power. Good thing may generator sa office ng client kaya may net connection at aircon pa din kami.  Ang pinaka ok sa lahat ang bilis ng internet..  Yahooo!!!

Thursday, December 2, 2010

Efecto de celebe de un mes

"Diligin ng suka ang uhaw na lumpia"
Title ng rated -r na pelikula nung bata pa ako. Senglot ako kagabi pag-uwi ko. Gaya ng dati nakatulog na naman ako agad, pero ngayon may kakaibang nangyari para ako bumalik sa pagka teenager kasi nag wet dreams ako. Epekto siguro ng mahaba habang panahon ko na ding walang sex life.  Di ako sanay ng ganito katagal kaya siguro  pagtulog ko nangibabaw ang subconscious at lumabas ang naipong kamanyakan sa likod ng utak ko.
 Bitin nga lang kasi nagising ako na di pa tapos yung wetdreams, kaya masakit sa puson. Ang sakit ng ulo ko pag gising ko dahil sa hang over.

"Pagtingin ko sa gawing kanan ko nakita ko ang unan na kayakap ko kagabi na wala ng pillow case"

Wednesday, December 1, 2010

BDAY EMO..

Bday ko bukas at nag iisa ako dito sa mindanao, toma ako kagabi sa shacene by the sea balak ko sana magpakalasing pero naka 3 bottles pa lang ako ng san mig light nag-iba na pakiramdam ko kaya tumigil na ako. Kumain na lang ako ng beef mami at inalala ang pinakamalungkot na bday na dumaan sa kin.

*< [ insert_violin _music_background_here ] >*

Circa '93 dec 2, college ako nun nasa boarding house ako nakatalukbong ng kumot dahil inaapoy ako ng lagnat. Mag isa lang ako sa boarding house kasi lahat ng kasama ko ay nasa school na. Nag try ako bumangon pero di ko kinaya, nakuntento na lang akong mahiga. Kinapa ko ang cellphone ko wala akong makapa kasi wala pa palang cellphone nun at kahit siguro may cellphone na di ko din ma aafford. hehehe
Hindi ko na masyadong matandaan kung anu-ano mga iniisip ko nun basta ang pinakatanda ko may tumulo na luha sa mga mata ko sa sobrang awa sa sarili.

"incidentally, araw din ng huwebes yun.."