Friday, November 26, 2010

Toma

Pumunta kami sa patay kagabi, wala akong nakitang kabaong di na kasi kami pumasok dahil madami ng tao sa loob ng bahay. Isa sa dumalaw si Mayor kaya siguro madaming tao.  Sa labas kami pumwesto sa tabi ng dagat naglagay ng mesa, naglabas ng tanduay yung namatayan. Sandamakmak na tanduay at coke nagpabaga ng uling at nag ihaw ng isda.
Tagayan..
Kwentuhan..
Tawanan..
Nakitagay, nakinig at nakitawa ako.. kahit di gaanong naiintindihan ang bisaya na salita nila. Kailangan lang maabangan ko yung punchline ng mga jokes nila at pag nagtawanan na nakikitawa na din a ko. Oo para akong tanga pero pag tagal tagal may mga jokes na din na na ggets ko although di ganun ka literal pag kaintindi ko. Gaya neto:
in visayan dialect to ng kinuwento:

sabi nung babae na kainuman namin (kainuman din namin asawa nya)
"Kinakalabit daw sya ng asawa nya sa gabi tapos pag sinabi nyang pagod sya
sasabihin nung asawa nya, di naman ako makikipag sex sa 'yo kailangan ko lang ng kakwentuhan"
Ayon sa pagkakaintindi ko yan.. Natawa na ako dyan.. pero nung tinanong ko yung katabi ko at ipinatranslate ang last line pala nung asawang lalaki nung sabihan sya na pagod si babae
"hanggang kuwento ka lang pala sa sex"
Natawa na din ako anyway..

May time din na kinumusta ako  ng isang kainuman namin kung naintindihan  ko daw at kung ok lang daw ako.
 "kasaboot man gamay"
yan ang sagot ko at nagtawanan sila..
pasado alas 3 na ako nakauwi at nakatulog agad ako.

an sakit ng ulo ko kinabukasan
at nalilito ako kung sa lamay ba ako galing kagabi o sa inuman..

No comments:

Post a Comment