Friday, January 7, 2011

January 1 blues

Last January 1 pumunta kami sa isang resort sa Bulacan para umattend ng family reunion sa father side ni wifey.  Masaya ang reunion, kainan, inuman, kantahan tapos kainan uli, palaro, kwentuhan, swimming tapos kainan uli. May kalakihan ang venue kaya nag ikot ikot ako bitbit ang camera para pumitik.




Sa kalahatan naging masaya ang reunion at lahat eh umuwi na may ngiti sa labi at umaasa na sana'y mag tuloy tuloy ang kasayahan na yun sa buong taon since unang araw ng taong 2011 iyon.
Umuwi kami mga bandang 6  pm. Dumaan kami sa isang gas station sa loob ng NLEX na may mga foodshop para magpahinga ng konti sa byahe pauwi at makatugon na din sa tawag ng kalikasan.  Pumitik uli ako:

Kumain din kami sa Hotshots burger since bihira lang kami makakita ng branch nun na malapit sa min.  Ok na ok ang pasok ng taon sa min dahil sa mga pangyayaring yun sa unang araw ng taon.

Pero nung pauwi na kami, pagsakay ko sa kotse di ko mahagilap kung nasaan na yung toll gate ticket na kailangan sa exit toll gate para madetermine kung magkano ang babayaran. Halos ipagwagwagan ko na yung kotse para lamang makita ang ticket pero di ko talaga sya nakita kaya pagdating namin sa tolll gate nagbayad kami ng 195 php samantalang galing lang kami ng sta rita exit/entry.

"Sir happy new year po, wala po tayong magagawa yan kasi ang ruling namin para sa lost ticket"
ang pakunswelong sabi ng toll gate attendant sa kin..

Thursday, December 30, 2010

Sadako, Sudoku

My wife loves to play sudoku on her Ipod touch.  Kahit na nasa bed na kami naglalaro pa din sya kaya naisip ko tong joke na to.

Me: Bakit sumikat si Sadako?
Wifey:  bakit?
Me again: Kasi lumabas sya sa TV.. toinks...

Thursday, December 16, 2010

Malas na bad trip...

Naubusan ng gas ang kotse kanina at itinirik ako sa gitna ng daan.  . Buti na lang may mga tambay na tumulong at itinulak ang kotse papunta sa tabi.  Dali dali ako tumawag ng tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na gasolinahan, dumaan muna kami dun sa autoshop na pinagpagawaan ko dati ng kotse at nanghiram ng galon para lalagyan ng gasolina. Nag start naman agad sya pagkalagay ko ng gas kaya nakauwi din ako agad.

"Pagdating ko sa bahay nahiga ako para matutulog na lang sana, bigla namang nag brown out"

Wednesday, December 15, 2010

Simbang gabi

Start na ng unang simbang gabi mamaya.  Mas lalo ko nammiss ang asawa ko.
Mas lalo kong naalala ang mga usapan namin starting dec 15 onwards bago  matulog.
Ang usapan kung saan mag-sisimba, kung sa Cathedral ba o sa esperitu santo at kung anong oras magigising.

"Nakaka miss magplano, pero pagdating ng madaling araw mas narerealized namin na  mas masarap
pala matulog pag mas malamig"

Tuesday, December 14, 2010

Back to Manila

Nakabalik na ako ng manila one week ago.. Ninamnam ko muna ang pagbalik ko bago ako nagpost, nanood ako ng HP7, nagpakalbo nag renew ng drivers license..


Tapos toma ng walang humpay..

feeling ko nurse ako these past few days kasi

"I'm always nursing a hangover"

Sunday, December 5, 2010

Wet morning..

Nagising ako ng 5 am uli sa alarm ng cellphone pero nagulat ako kasi di pa maliwanag sa salamin ng bintana, inakala ko na mali ang oras sa cellphone ko.  Pero pinili kong bumangon para patayin ang aircon at sumilip na din sa labas, pagbukas ko ng pinto madilim pa nga ang paligid at umuulan. Yung tinatawag na ulang mayaman o mahina lang ang patak pero ang tipo ng ulan na matagal matapos. Binuksan ko ang TV at nanood ng news tapos naghanda na din para maligo at umpisahan ang araw.  Natapos ko na lahat na kailangang gawin at paalis na ako di pa din tumitigil ang mahinang patak ng ulan. Hanggang mag abang ako ng tricycle papunta sa office umuulan pa din pero di ko alintana dahil madami din namang naglalakad na di din pinapansin ang mahinang patak ng ulan.

"Pag upo ko sa tricycle saka ko lang napansin na ang toothbrush ko pala ay nasa likod na bulsa pa ng pants ko"

Friday, December 3, 2010

BROWN OUT

Brown out ngayon dito sa buong Tandag, 5 pm pa daw babalik ang power. Good thing may generator sa office ng client kaya may net connection at aircon pa din kami.  Ang pinaka ok sa lahat ang bilis ng internet..  Yahooo!!!